It’s Showtime April 20, 2024 | Full Episode

ABS-CBN It's Showtime
ABS-CBN It's Showtime
453.5 هزار بار بازدید - 3 ماه پیش - Matapos ang dalawang buwang pagpapamalas
Matapos ang dalawang buwang pagpapamalas sa buong mundo ng kanilang angking husay sa pag-awit at pagtatagisan ng galing sa entablado ng It’s Showtime, walong kabataan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang naghara-harap sa Tawag ng Tanghalan Kids Season 2: Ang Huling Tapatan ngayong Sabado, Abril 20.

Para sa special edition ng kompetisyong ito, nagsama-sama ang sampung kapita-pitagang mang-aawit sa bansa upang malaman kung sino sa kiddie grand finalists ang pinaka karapat-dapat na tanghalin bilang grand winner. Ang hanay ng mga hurado ay kinabibilangan nina Jamie Rivera, Christian Bautista, Roselle Nava, Tutti Caringal, Frenchie Dy, Jason dy, Katrina Velarde, Elha Nympha, John Rex Baculfo, at Gary Valenciano, na siyang itinalaga bilang Punong Hurado.

Ngunit bago ang pangmalakasang tapatan sa kantahan ng walong grand finalists, inaliw muna ng “nation’s girl group” BINI ang lahat sa kanilang live performance ng kanilang hit track na “Pantropiko”, kasama ang cute at talented na Showtime Kids – Argus, Jhaze, Briseis, Imogen, Kelsey, at Kulot.

Para sa edisyong ito ng TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan, ang grand champion ay magkakamit ng isang tropeo, management contract mula sa ABS-CBN Music Management Group, home and learning showcase na nagkakahalaga ng P300,000, at tumataginting na P500,000.

Sinimulan ni Diane Grace Duran mula sa Kidapawan City, North Cotabato ang unang round ng kompetisyon sa pamamagitan ng kanyang nakakaantig-pusong rendisyon ng “Ngayon at Kailanman” ni Basil Valdez.

Ang pambato naman ng Balayan, Batangas na si Neithan Perez ang ikalawang sumalang sa tanghalan upang awitin ang classic hit ni Wency Cornejo na “Habang May Buhay” na kanyang inialay sa kanyang pinakamamahal na pamilya.

Napa-standing ovation ang ilan sa mga hurado sa powerful performance ni Dylan Genicera ng Pagbilao, Quezon ng “Believer” ng American pop rock band na Imagine Dragons, kung saan ipinamalas niya rin ang kanyang rapping skills.

Hindi naman napigilan ng ilan sa mga hurado at hosts ang kanilang emosyon matapos mapakinggan ang makabagbag-damdaming pag-awit ni Aliyah Quijoy ng Kawit, Cavite ng “Never Ever Say Goodbye” ni OPM legend Nonoy Zuñiga.

Napaluha at napahanga rin ni Shawn Hendrix Agustin ng San Nicolas, Pangasinan ang lahat sa kanyang bersyon ng “Kailangan Kita” na isinulat ni host Ogie Alcasid at kinanta ni punong hurado Gary Valenciano.

Ipinahayag naman ni Vice Ganda ang kanyang appreciation sa mga magulang na ipinararamdam at ipinamamalas sa kanilang mga anak ang maalab na pagmamahal at suporta dahil batid niya kung gaano kahalaga ito sa pagkamit ng kanilang pangarap.

Sa pagpapatuloy ng unang round, naantig ang puso ng marami sa rendisyon ni Thirdy Corpuz ng La Union ng “Wind Beneath My Wings” ni Bette Midler, na inihandog niya sa pinakamamahal niyang ina.

Pinatunayan naman ni Resbaker Clet Nicole Fiegalan na karapat-dapat siyang maging bahagi ng Tawag ng Tanghalan Kids Season 2: Ang Huling Tapatan sa kanyang impressive na pag-awit ng “Hawak Mo” ni TNT Season 6 grand winner Lyka Estrella.

Gayundin ang ginawa ng kanyang kapwa resbaker na si Kim Hewitt ng Dumaguete City na pinahanga ang mga hurado sa kanyang mapusong rendisyon ng “Too Much Love Will Kill You” ni British musician Brian May ng sikat na bandang Queen.

Sa walong grand finalists, sina Dylan, Aliyah, at Kim ang napili ng mga hurado mapabilang sa Final 3 at umabante sa susunod na round.  


Para sa ikalawa at huling round ng TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan, agad na napamangha ang mga hurado sa vocal power ni Dylan habang kinakanta ang “Tao” ng iconic OPM band na Sampaguita.

Napatayo naman ni Aliyah Quijoy ng ilan sa mga hurado sa kanyang nakakapanindig-balahibong pag-awit ng “Lupa” ng isa pang tanyag na OPM band, Aegis.

Parehas na reaksyon ang nakuha ni Kim Hewitt sa kanyang impressive performance ng “I Don’t Wanna Miss A Thing” ng American hard rock band Aerosmith.

Bawat isa man sa kanila ay nagpamalas ng kanilang angking husay sa entablado ng It’s Showtime, ngunit iisa lamang ang hinirang na kampeon para sa TNT Kids Season 2: Ang Huling Tapatan.

Sobrang dikit ang naging laban nina Dylan, Aliyah, at Kim, base sa total scores na ibinigay ng mga hurado. Subalit sa bandang huli, si Kim ang nanaig at hinirang na grand winner. Siya ay nagwagi ng tropeo, P300,000-worth of home and learning showcase, P500,000 cash prize, at management contract mula sa ABS-CBN Music Management Group.

Si Dylan naman ang nakakuha ng ikalawang puwesto at nagkamit ng P200,000 cash prize at P100,000 worth of learning and home showcase, habang si Aliyah naman ang nasa ikatlong puwesto at nag-uwi ng P100,000 cash prize at learning and home showcase na nagkakahalaga ng P100,000.


#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#TNTKidsAngHulingTapatan
3 ماه پیش در تاریخ 1403/02/01 منتشر شده است.
453,562 بـار بازدید شده
... بیشتر