GRABE! ATTY ROQUE AT EX SOJ AQUIRRE KINUWESTIYON SI JUDGE GITO LABAN SA KASO NI DE LIMA!

DIYO News
DIYO News
2.2 هزار بار بازدید - 9 ماه پیش - GRABE! ATTY ROQUE AT EX
GRABE! ATTY ROQUE AT EX SOJ AQUIRRE KINUWESTIYON SI JUDGE GITO LABAN SA KASO NI DE LIMA!
NAGPAHAYAG ng pagdududa si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque at former Justice Secretary Vitaliano Aguirre III sa huwes na nag-apruba sa bail petition ni dating Sen. Leila De Lima.

Mababatid na makaraan ang halos pitong taon na pagkakakulong sa Camp Crame sa Quezon City, nakalaya si De Lima sa pamamagitan ng piyansa noong Nobyembre 13.

Sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, sinabi ni Roque na maaaring may kinikilingan sa ginawang desisyon ng hukom.

Kinuwestiyon ng dating tagapagsalita ng Palasyo ang umano’y koneksiyon ni De Lima kay Judge Gener Gito ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206.

Si Judge Gito, ang RTC Presiding Judge na nagpahintulot kay De Lima na makapagpiyansa.

Pagbubunyag pa ni Roque, si Gito ang paboritong estudyante ni De Lima noong nagtuturo pa ang dating senadora sa San Beda College of Law.

Iginiit ng former Presidential Spokesman na ang aniya’y espesyal na relasyon na ito ay itinatago sa publiko at sa prosekusyon.

Sa kabilang banda, nagpahayag naman ng kaniyang sentimyento si Aguirre sa naging pahayag ni Roque.

Aniya, bago ang stint ni Gito bilang hukom ay malakas ang ebidensiya kaugnay ng drug case laban kay De Lima.

Sa katunayan aniya, ang hinalinhan ni Gito na si Judge Romeo Buenaventura ay tinanggihan na ang naunang inihaing petition for bail ni De Lima.

Naninindigan si Aguirre na masusing nirepaso ang mga kaso ng droga laban kay dating Sen. Leila de Lima sa kabila ng banta ng huli na sasampahan siya ng counter charges laban sa mga sangkot sa kaniyang pagkakakulong.

Inilahad din ni Aguirre na ang pag-deny sa paunang petition for bail ni De Lima, ibig sabihin nito, na para kay Judge Buenaventura, ang “evidence of guilt” ay napakalakas.

Pagkatapos na mapalitan si Judge Buenaventura ni Judge Gito, giit ni Aguirre, ay kaduda-duda na ang naging findings ng bagong hukom sa kaso ng dating senadora.

Sa pananaw naman ni Atty. Roque, ‘valid ground’ ito para sa inhibition ng nasabing judge sa drug case ni De Lima.

Matatandaang noong Hunyo, nag-inhibit si Judge Buenaventura sa kaso ni De Lima matapos mabunyag na ang kaniyang kapatid ay nagsilbi bilang abogado para sa kapwa akusado ni De Lima na si Ronnie Dayan, na maituturing bilang conflict of interest.

HELLO GUYS WELCOME TO DIY-O CHANNEL. MAY VIDEO IS ALL ABOUT GENERAL CONTENT, SUCH AS DIY, NEWS AND POLITICS, COOKING DIFFERENT KIND OF DISHES. AND ALSO PERSONAL BLOG.

LOOKING FOR A FRIEND HERE THAT CAN SHARE AND TALK WITH DIFFERENT TOPIC. PLEASE SUPPORT OUR CHANNEL, THANK YOU SO MUCH AND GODBLESS..

FB PAGE : Facebook: PhillipEntertainmentNews

This Video Is For Entertainment Purposes Only Ever since, programmed makers have been able to comply with this ruling by flashing up the disclaimer 'this programmed is for entertainment purposes only' before the show. It tells viewers that not everything they see in the show should be taken seriously.

MY VIDEO WAS MADE FOR PURE ENTERTAINMENT PURPOSE. THESE COPYRIGHTS BELONG TO ITS RIGHTFUL OWNERS.

#leiladelima #sojaguirre #attyroque #fprrd  #stellaquimbo #vpsaraduterte #capuyan #francestolentino #martinromualdez #attypanelo #pbbm #SENIORAGILA #ronaldbatodelarosa #sbsi #risahontiveros #arlenebrosas #vpindaysaraduterte #francecastro #raoulmanuel  #newsupdate #phnews #pinashotnews #newsph #JeyRenceQuilario #fprrd
9 ماه پیش در تاریخ 1402/09/02 منتشر شده است.
2,273 بـار بازدید شده
... بیشتر