Negosyante binaril ng riding-in-tandem sa Kawit, Cavite | ABS-CBN News

ABS-CBN News
ABS-CBN News
3 هزار بار بازدید - 3 ماه پیش - Patay ang isang negosyante matapos
Patay ang isang negosyante matapos pagbabarilin habang pauwi sa kanyang bahay sa Barangay Magdalo Potol, sa Kawit, Cavite noong Sabado ng umaga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Richard Corpuz, chief of police ng Kawit PNP, dead on arrival sa ospital ang biktima na si Jose Luis Granados. Ang pamamaril, nahagip din sa CCTV sa lugar.

"So 'yung biktima natin pauwi sa kanyang bahay sa Bgy. Magdalo Potol. Pagbaba niya ng sasakyan, dumating 'yung mga suspects na sakay ng motorsiklo. At 'yung backrider ay binaril ang ating biktima ng apat na beses. Iyong biktima ay agad dinala sa ospital pero namatay din habang nilalapatan ng lunas," ani Corpuz.

"Ang biktima po natin ay negosyante at involved din sya sa politics," dagdag niya

Sa ngayon ay patuloy din ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa posibleng motibo sa likod ng pamamaril.

Pero wala naman daw umanong kaaway ang biktima, ayon sa salaysay ng kaanak.

"Nakausap po namin ang asawa at ang sabi sa amin ay wala siyang alam at wala rin nabanggit ang kanyang asawa kung may natatanggap ba siyang death threat," sabi ni Corpuz.

Tumangging magbigay ng pahayag ang kaanak ng biktima, habang nakaburol na ang kanyang labi sa Cavite.

For more ABS-CBN News videos, click the link below:
ABS-CBN News

For more Breaking News & Live Coverage videos, click the link below:
Breaking News & Live Coverage

For more latest news and analysis from ABS-CBN News videos, click the link below:
The latest news and analysis from ABS...

For more News Digital News Raw Cuts, click the link below:
News Digital Raw Cuts

Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews

Watch full episodes on iWantTFC for FREE here:
http://iwanttfc.com

Visit our website at http://news.abs-cbn.com
Facebook: Facebook: abscbnNEWS
Twitter: Twitter: abscbnnews
Instagram: Instagram: abscbnnews

#Cavite
#LatestNews
#ABSCBNNews
3 ماه پیش در تاریخ 1403/02/24 منتشر شده است.
3,065 بـار بازدید شده
... بیشتر