VAN DE LEON Biography: Isa sa PINAKAMAGALING na Bida Kontrabida Noon, KILALANIN

Notable Bio
Notable Bio
27.5 هزار بار بازدید - 3 سال پیش - Filipino Classic Actor Biography: Isa
Filipino Classic Actor Biography: Isa sa mga kinilalang kontrabida ng sampaguita pictures noon 1950’s ay si Van de Leon. Siya ay nakilala at naging contrat star ng nasabing studio, at maituturing na isa sa pinakamahusay na aktor ng pelikulang Pilipino sa kanyang panahon. Siya ay namukod-tangi sa kanyang pagganap bilang talahib, ang naghihiganting bandido sa pelikulang taga sa bato, at bilang walang pinagaralang kapatid ni Jose Padilla Junior, sa kamandag. Alamin nating ang kanyang naging buhay sa video na ito.

Si Van de Leon, ay ipinanganak noon December 16, 1920. Nagsimula si Van sa showbiz bilang extra sa mga pelikula. Kalaunan, ay unti-unting lumaki ang mga roles na binibigay kay Van, hanggang siya ay mag bida sa pelikulang inspirasyon noon 1952, at nakatambal ang tanyag na aktres na si Carmen Rosales. Matapos ang pelikulang ito, ay lubos na nakilala si Van, at naging isa sa pinakamahusay na drama actor ng sampaguita. Siya ay itinalaga ng studio, upang turuan at bigyan ng gabay, ang mga baguhang aktor na nagsisimula sa sampaguita. Si Van ang nag coach sa mga sikat na aktor nuon na sila Romeo Vasquez, Juancho Gutierrez, Eddie Arenas, Eddie Gutierrez at Dindo Fernando, ng ang mga ito ay nagsisimula pa lang sa industriya ng pelikula. Pinahahalagahan ng studio ang kanyang opinion, at si Van ang nagbibigay ng go signal, para gawing full fledge star ang kanyang mga tinuturuan.

Noon March 5, 1981, si Van de Leon ay pumanaw sa edad na 60.

#NotableBio #Subscribe4More #VanDeLeon

Please dont forget to SUBSCRIBE for MORE:
@notablebio

DISCLAIMER: FAIR USE NOTICE
This video may contain copyrighted material. Such material is made available for educational purposes only.  This constitutes a "Fair Use" of any such copyrighted material as provided for in Title 17 U.S.C. section 106A-117of the US Copyright Law. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS
3 سال پیش در تاریخ 1400/06/20 منتشر شده است.
27,524 بـار بازدید شده
... بیشتر