HUSTLE HARD UNTIL YOUR LAST BREATH - MOTIVATIONAL VIDEO

Brain Power 2177
Brain Power 2177
137.6 هزار بار بازدید - 3 سال پیش - Video Title: HUSTLE HARD UNTIL
Video Title: HUSTLE HARD UNTIL YOUR LAST BREATH - MOTIVATIONAL VIDEO - MOTIVATIONAL VIDEO Kahit g'ano ka pa katatag sa buhay, kung matinding pagsubok ang babangga sa 'yo, manghihina ka talaga. Kahit hinang-hina ka na, babanggain ka pa rin ng paulit-ulit. Pero sa oras na susubukin ka ng panahon, ito ang tamang oras na kailangan mong patatagin ang iyong mentalidad at emosyon. 'Wag kang magpapatinag. Kumapit ka pa rin dahil may pag-asa pa. Higpitan mo pa ang iyong pagtitiwala. Kailangan mong dumaan sa matinding proseso. Kailangan mong dumaan sa kadiliman upang mahulma ang bago mong karakter. 'Wag kang sumuko. Lumaban ka pa rin kahit ang iba'y sumusuko na. Oo magkakamali ka, mabibigo ka ng ilang beses. Pero hindi ang mga 'yon ang tumutukoy sa pagkatao mo. Ang pinaka mahalaga ay magkaroon ka ng lakas ng loob. Kahit nahihirapan ka na, magpokus ka pa rin sa goal mo. Kapag bumagsak ka na, kapag gusto mo ng sumuko, dito magsisimulang makikita mo ang liwanag na matagal mo ng inaasam-asam. 'Wag ka lang sumuko kaagad. Malapit ka na sa iyong destinasyon. Uulitin ko, kahit sobrang nahihirapan ka na sa laban ng buhay, 'wag mong bitawan ang pangarap mo. Mas matatag ka pa kaysa sa iniisip mo. Alam ko na kapag nahihirapan na tayo, mas madali nating maisip na TAMA NA, AYOKO NA, madali lang bumigay. Pero kung bibitaw ka na, wala ni isang tao ang makakabenepisyo sa pinaghihirapan mo. Plano mo namang makatulong, 'di ba? Paano ka makakatulong sa pamilya mo kung susuko ka na? kung hindi mo pa naabot ang pangarap mo? Habang buhay ka pa, hindi pa tapos ang lahat. Pwede ka pang manalo. Ito'y simula pa lang. Kung sa una ay hindi ka nagtatagumpay, subukan mo pa rin hanggang sa magtagumpay ka. 'Wag mong sukuan ang TAO na gusto mong maging. Handa ka na ba na maging isang MATAGUMPAY na TAO na pinangarap mong maging? Alam kong gustong-gusto mo. Lahat tayo gusto nating magtagumpay. Kaya't 'wag kang sumuko. Marami ng tumatakbo sa isipan mo. Halos lahat ay mga negatibo na. Minsan may maririnig kang boses sa ulo mo na SUMUKO na lang. Pero 'wag kang maniwala sa mga boses na 'yan. Minsa'y mapaglaro ang ating isipan. Kung patindi ng patindi ang problema, maraming tao ang maghahanap ng shortcut. Ayaw kasi nilang dumaan sa mahirap na proseso. Ayaw nilang matatagalan. Gusto nila instant kaagad ang gantimpala. Hahanap sila ng shortcut para lang makatakas. Kaya marami rin ang hindi nagtatagumpay. Marami ang natutulala sa realidad. Kaunti lang ang nakipagsabayan sa problema. Kaunti lang din ang nagtatagumpay. TRANSCRIPT: cutt.ly/RbYDsE8 ▶ G Korb NATURE +4K+ Free Stock Footage of Beautiful Sceneries (No Copyright, Royalty-Free Clips) Video Link:    • NATURE +4K+ Free Stock Footage of Bea...   ▶ Christian Sommer Mountain Life | No Copyright Video | Royalty free mountain | Drone footage | mountain shots Video Link:    • Mountain Life | No Copyright Video | ...   ▶ SKY SHARK TV Cinematic Background Music and Video (NO COPYRIGHT) Mountain Video Link:    • Cinematic Background Music and Video ...   ▶ Mu Hanz (No Copyright) Cinematic Background Music - Into The Nature Music Link:    • (No Copyright) Cinematic Background M...   -------------------------------------------------------------------------------------------- Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: [email protected] -------------------------------------------------------------------------------------------- Speaker: Brain Power youtube.com/brainpower2177 Facebook Page: www.facebook.com/brainpower2177 Instagram: @junbal2177 Twitter: @BrainPower2177 If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell - youtube.com/brainpower2177 ---------------------------------------------------------------------------------------------- #NeverGiveUp #KeepDoingIt #BrainPower2177
3 سال پیش در تاریخ 1400/02/17 منتشر شده است.
137,642 بـار بازدید شده
... بیشتر