Mahal na Poong Hesus Nazareno
121 هزار بار بازدید -
3 سال پیش
-
likha ni Wally Perez LabadoMahal
likha ni Wally Perez Labado
Mahal na Poong Hesus Nazareno
Poong Hesus Nazareno,
Salamat po sa pag-ibig Mo.
Ang buhay Mo'y inialay, sa krus ay namatay, Upang kami ay mabuhay.
Poong Hesus Nazareno,
Patawad po sa mga kasalanan ko.
Ang buhay ko'y iaalay, ang lahat ay ibibigay, puso ko'y sa 'Yo lamang habambuhay.
(Koro)
Poong Hesus Nazareno, kay buti Mo.
Sa hirap at dusa, Ika'y kasama ko.
Ang samo ko't dasal, sana'y pakinggan Mo, nang mapawi na'ng mga paghihirap ko.
Poong Hesus, Nazareno, salamat po.
Ang 'Yong pagmamahal ay nadarama ko.
Ngayon at magpakailanman, Ika'y pupurihin ko,
Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Poong Hesus Nazareno,
Kalugdan po Ninyo itong kahilingan ko:
Mabuhay nang mapayapa,
ilayo sa lahat ng masama.
Kaawaan N'yo po kaming umaasa.
Poong Hesus Nazareno,
Patnubayan N'yo po nawa't gabayan ako.
Iligtas sa kapahamakan at tiyak na kamatayan.
Huwag po Ninyo kaming pababayaan.
(Koro)
(Koda)
Mahal na Poong Hesus Nazareno.
"Pagpalain po nawa tayo, ingatan at kalugdan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno"

در تاریخ 1400/08/14 منتشر شده
است.
121,034
بـار بازدید شده