🥊LABAS ang UTAK sa ILONG! PITBULL ni PACMAN NAGWALA! TULO ang UHOG sa LAKAS ng SUNTOK ni ISAAC CRUZ!

Sports Manda
Sports Manda
774.9 هزار بار بازدید - 2 سال پیش - TULO ang UHOG sa SUNTOK
TULO ang UHOG sa SUNTOK ng ALAGANG PITBULL ni PACMAN!

Isa sa mga maiinit na boksingero ngayon sa lightweight division ay ang ipinagmamalaki ng MP Promotions na si Isaac Pitbull Cruz.
Kahit na natalo kay Gervonta Tank Davis – nag-iwan naman si Pitbull ng marka bilang isa sa mga mabibigat na contenders sa 135 pound division.
At sa nalalapit na laban ni Isaac Cruz kontra sa former unified featherweight champ Yuriorkis Gamboa, tatalakayin natin ang isa sa mga malulupit na knockout victory ni Pitbull.
Sabado, November 10, 2018
Naitapat ang nooy 21 anyos pa lamang na si Isaac Cruz sa beteranong kababayang si Jose Josesito Felix.
Sa pagtatapat ng dalawa, bibit lahat ni Felix ang kalamangan sa laban.
Hawak ni Josesito Felix ang mahigit 5 pulgadang reach advantage samahan mo pa ng mahigit 4 na pulgadang height advantage.
Pagdating sa ring record – mabigat din ang kartada nitong si Felix.
Sa loob ng 40 laban – kumubra si Josesito ng 36 na panalo – 3 talo at 1 draw. 28 sa kanyang mga naka-duelo ay kanyang pinatulog.
Kung gagamit tayo ng aritmetik para malaman ang bigat ng kamao ni Felix –  pumalo sa 70 percent ang knockout win ratio ni Josesito.

Matindi din ang mga numero ni Isaac Cruz kahit na may kabuuan lang ng 17 laban.
15 dito ay panalo at may tig isang talo at draw. 12 naman sa kanyang mga nakatapat ay humalik sa lona.
Pagdating sa knockout win ratio – pumalo ito sa 71 porsyento na masa mataas lang ng bahagya kay Felix.

At ng ipakilala na ang dalawa sa gitna – kitang kita agad ang pisikal na kalamangan ni Josesito.

Round 1 – ginamit agad ni Josesito ang kanyang mahabang braso sa pagbato ng jabs para hindi makalapit si Pitbull.
Pero anticipated na ito ni Isaac Cruz – gamit ang kanyang mala Mike Tyson peeak-a-boo stance – nilulusutan ni Pitbull ang mga long jabs ni Felix sabay bato ng overhand right at left hook.

Wala pang isang minuto sa laban – nangyari na ang hindi inaasahan ng kampo ni Josesito.

Nakatayo din agad si Felix at sinubukang bumawi at makipagsabayan kay Pitbull, kaso lang mas mabilis ang kamao ni Isaac Cruz at muli na namang bumagsak itong si Josesito.

Nirereklamo ni Felix na sa likod ng tenga siya tinamaan ni Pitbull ngunit hindi ito pinansin ng referee.

Itinuloy pa din ni Josesito ang makipagsabayan pero sa pagkakataong ito naging maingat na siya.


Pagdating sa round 2

Sa distansiya na bumabato si Felix.
Pag nakakalading ng maganda si Pitbull – napapangiwi itong si Josesito.

Kahit na nakakatama ng maganda si Felix – hindi ito masyadong iniinda ni Pitbull dahil mas lumalagatok ang kanyang mga patama lalo na sa tuwing makokorner niya si Felix.


Pero ang magandang ginawa ni Josesito dito sa round e ang yumakap para hindi tamaan ng suntok pag nag-step in na si Pitbull.
Kaso nga lang – nakakatama pa din ng maganda si Pitbull.


Round 3 –
Balik sa game plan si Josesito – ang bumato ng jabs at Ilagan ang counter overhand right ni Pitbull.
Kaso Ng bumato ng lazy left jab itong si Josesito – isang overhand right ang bumulaga sa kanya.
Nakatayo pa si Josesito kaso naka-amoy na ng dugo ang mabangis na Pitbull.

Para ng homing missile ng F14 jet fighter ang mga kamao ni Isaac Cruz na tumatama sa pagmumukha ni Josesito
Kaya wala ng nagawa pa ang referee kundi ihinto na ang laban.

Halata na na groggy talaga si Josesito ng salubungin ng kanyang kampo.

Ng makaupo na ito sa kanyang corner – mapapansin na labas ang uhog ni Josesito sa tinamong tama mula kay Pitbull.

Nakakatuwa naman na tangap ng kanyang kampo ang pagkatalo at syempre sports lang walang personalan.

Credit Music
Song : Mortals
Artist : Warriyo, Laura Brehm
Licensed to YouTube by : AEI (on behalf of NCS); UNIAO BRASILEIRA DE EDITORAS DE MUSICA - UBEM, LatinAutor, LatinAutorPerf, Warner Chappell, Featherstone Music (publishing), LatinAutor - Warner Chappell, and 5 Music Rights Societies

NCS Music : Warriyo - Mortals (feat. Laura Brehm)...
NCS Spotify: http://spoti.fi/NCS
Free Download / Stream: http://ncs.io/mortals

Fair Use

Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for “fair use” for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, education and research.

Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.

#SPORTSMANDA
#isaacPITBULLcruz
#mppromotions
2 سال پیش در تاریخ 1400/12/15 منتشر شده است.
774,911 بـار بازدید شده
... بیشتر