Infinix Hot 30 Play Unboxing Review !

Gadget Tech Tips
Gadget Tech Tips
117.3 هزار بار بازدید - پارسال - Hey guys my bagong smartphone
Hey guys my bagong smartphone nanaman si infinix na my sobrang taas na ram na up to 16gb ram, naka 6000mah na battery pa, 90hz na refresh rate din sa halagang 5500 lang guys.

At yan ngayon guys ang pinaka murang smartphone na my ganyang specs ngayon.

Dating 6500 ang srp ni hot 20 play na my 4 128gb na version. Pero ngayon nga is 8gb ram na sya sa ms murang presyo pa.

Technically ang specs ng hot 20 play at hot 30 play ngayon is 90% same lang sila

Sa display 6.82” sya na my 90hz nga at 720p na resolution.

Sa camera 13mp si 20 play, 16mp naman si hot 30 play ngayon.

Sa front camera 8mp parin sya.

6000mah battery din si hot 20 play last year same padin ng hot 30 play ngayon.

Pero syempre latest android 13 na si 30 play ngayon.

Kaya kung gamit mo ang infinix hot 20 play ngayon ee hnd logical mag palit dito dahil halos same phone lang sila. Kht si hot 11 play at hot 10 play halos yan lng din ang specs ng bagong hot 30 play, nababago lng tlga ang design at display nila ngayon dahil punch hole 90hz na ang mga bago ni infinix ngayon. Pero atleast nag bababa ang price nila.

Ang kaso helio g37 parin tlga ang processer ng infinix hot 30 play ngayon parehas ng hot 20 play at halos same parin yan ng helio g35 na nsa infinix hot 11 play at infinix hot 10 play 3yrs ago.

Yan na yan rin halos ang gameplay nila sa NBA2K20 sa my ultra high na graphics. Kitang kita dito na hnd tlga gnun ka smooth ang helio g37 sa games kht pa gaanong karaming ram ang smartphone naten.

Hnd nyo lang sa games mararamdaman yan pati sa pag oopen ng apps at simpleng pag gamit sa phone naten. Hnd sya gnun kabilis at ka smooth sa kahit anong gagawin naten sa phone naten.

Hnd ko lng ma intindihan ky infinix at tecno or kht kay oppo at vivo na bakt hnd nlng UNISOC na processor ang ilagay nila sa mga smartphone nila sa mga ganitong presyo. Dahil dihamak na ms malakas ang mga unisoc na processor ngayon compare sa helio g37 na processor na nandito.

Buti pa si realme at narzo naka unisoc na processor. Kaya kht 2gb ram lang ang realme c30 nila ee talagang makikita nyo na smooth sya dito sa NBA2K20.

Hnd ko alam baka dahil ms sikat si MEDIATEK compare ky unisoc.

Actually guys merong dalawang smartphone si infinix na my UNISOC T610 na processor na dihamak na mas malakas sa helio g37. Itong sila infinix hot 12 play at infinix hot 11 2022, naka unisoc yan na processor na tlga namang mgnda pang games syempre kht pang normal used lang mabilis parin itong dalawa nato compare dito sa 20 play at 30 play.

Ms makikita nyo ang difference nila dito sa cabal mobile. Mahina tlga ang g37 sa game nato pero kayang kaya sya kht papano nitong hot 12 play dahil nga naka t610 sya na processor.

Kht sa call of duty mobile dito sa multiplayer still nkakainis ung LAG nya LOW graphics na nga sya pero napaka lag parin.

Pero ang halos nag improve tlga sa mga smartphone ni infinix ngayon is ang camera nila dahil msasabi ko na mkakasabay na tlga sila sa camera nila realme at camon ngayon.

Magnda na ang camera ng infinix hot 30 play ngayon compare sa mga lumang infinix na nagamit ko kht pa halos same lng sila lahat ng megapixel.

Sa package pala niya type c na cable at 18watts lang ang ksama niya ska manipis na jelly case. Wala syang earphone na ksama. At color purple pala itong hot 30 play naten ngayon.

Sa design ng mga bagong infinix ngayon halos iisa lng sila ng mga itsura ngayon simula sa hot 30i then itong hot 30 play ngayon dahil ang paparating na hot 30 guys is gnito lng dn ang design.

At para sken mgaganda ang design ng infinix ngayon at hnd na sya itsurang mumurahin.

To be honest guys still pag dating sa gaming mas malakas parin dito si infinix hot 30i kht pa 4gb ram lang sya dahil kht dito sa mobile legends ramdam tlga ung delay at lag sknya. Sobrang tagal na ng helio g35 guys baka my 5yrs old na ang processor nato hnd naten alam kung mggng forever na dn ba ito ky infinix at tecno sa mga smartphone nila sa ganitong presyo itong mga PLAY Series nila.

Sayang para sken almost perfect na itong infinix hot 30 play ngayon. Mgnda ang display niya at malaki, naka 6000mah na battery pa at mgnda na dn ang camera kht papano. Ang kso naiwan tlga ung processor. Kung ginawa nilang unisoc to ee nko guys mhirap ng talunin tong hot 30 play ngayon. Tpos ang gnda pa nga ng design niya at naka android 13 pa.

Pero kung more on zombie tsunami lang ang nilalaro nyo ee panalo naman nato ska kung subway surfer lng naman ee okay na okay na dahil sa gnyang games lng advisable ang helio g37 na processor.

Pero still guys kht 5500 lng ang srp niya still mahirap talunin yan pra sa specs na meron itong infinix hot 30 play ngayon.

Pa like nlng po if naka tulong thanks for watching.
پارسال در تاریخ 1402/02/18 منتشر شده است.
117,383 بـار بازدید شده
... بیشتر