MEGAN YOUNG nag sorry matapos ma bash ng mga taga africa anyare? | megan young

Crisaldo Corona
Crisaldo Corona
104 بار بازدید - 6 ماه پیش - Megan Young nag-sorry matapos putaktihin
Megan Young nag-sorry matapos putaktihin ng mga taga-Africa, anyare?

Megan Young, Lesego Chombo

BUMUHOS ang pamba-bash at hate comments laban kay Miss World twenty thirteen Megan Young.

Nagalit sa kanya ang maraming African pageant fans matapos niyang ayusin ang buhok ni Miss World Botswana Lesego Chombo sa question-and-answer (Q&A) portion ng 71st Miss World competition noong March 9.

Karamihan sa netizens, pinagbibintangan si Megan na gumamit ng “witchcraft” o kulam kaya nawala ang swerte ng pambato ng Botswana, South Africa.

Para sa hindi masyadong aware, sensitibo talaga ang mga African pagdating sa kanilang buhok.

Para sa kanila, ang buhok ay isang sagradong simbolo ng kanilang kultura.

Hindi rin maganda para sa Africans na bigla-bigla nalang hahawakan ang kanilang buhok.

Kailangan ay humingi ka muna ng permiso dahil bukod sa paglabag ito sa kanilang personal space, ito ay “rude” at “disrespectful” sa kanila.

Sa social media, ibinandera ni Megan ang kanyang pagso-sorry sa kanyang ginawa.

Aminado ang Pinay beauty queen na nagkamali siya, pero iginiit na nais lamang niya tulungan ang kandidata.

“I wanted to offer a helping hand but I failed to oversee the bigger picture. This could have caused distress during that moment and I have been made aware that culturally, this is unacceptable,” sey niya sa Facebook post.

Ikinuwento rin niya na nakausap na niya sa personal si Le sego upang humingi ng tawad.

“We have spoken privately last night at the hotel and I have apologized to Le sego in private,” chika niya.

Dagdag pa niya, “To those who witnessed the incident, I also want to apologize for any discomfort or confusion my actions may have caused.”

“It was a thoughtless and disrespectful act, and I take full responsibility for it,” aniya.

Paglilinaw niya, “I assure you that it was not my intention to invade personal space or make anyone feel uncomfortable. I deeply regret my actions and will strive to be more mindful and respectful in the future.”

Makikita sa comment section na nagsalita na rin mismo si Miss World Botswana at nakiusap sa kanyang mga kababayan na maging “kinder” hindi lang kay Megan, kundi pati na rin sa bagong reyna ng Miss World na si Krystyna Pyszková ng Czech Republic.

“Batho bame (My people), I appreciate that you are all looking out for me, but it really doesn’t make me feel good when you bring other people down in my name or for my sake,” apela niya.

Wika pa niya, “Please be kinder, please. To Krystyna, to Megan, be kinder.”

Si Le sego ay kabilang sa Final 4 ng 71st Miss World pageant.

Si Megan naman ang nananatiling nag-iisang Pinay na nakapag-uwi ng Miss World title na napanalunan niya noong 2013.

Ang pag-aayos ni Megan sa buhok ni Miss Botswana ay nagpapakita kung paano sinusuportahan ng mga beauty queen ang isa't isa. Tinutulungan nila ang kanilang mga kapatid na babae na lumiwanag sa entablado, at ito ay tungkol sa pagtutulungan ng magkakasama at pagiging nariyan para sa isa't isa, higit pa sa pagiging maganda.

Megan Young: Kagabi noong final, inayos ko ang buhok ni Le sego Chombo (Miss Botswana) sa entablado. Gusto kong mag-alok ng tulong ngunit nabigo akong pangasiwaan ang mas malaking larawan. Nagdulot ng pagkabalisa ang coud na ito sa sandaling iyon at napag-alaman sa akin na sa kultura, hindi ito katanggap-tanggap.

Nag-usap kami nang pribado kagabi sa hotel at humingi ako ng tawad kay Le sego nang pribado.

Sa mga nakasaksi sa insidente, gusto ko ring humingi ng paumanhin para sa anumang discomfort o kalituhan na maaaring naidulot ng aking mga aksyon. Ito ay isang walang pag-iisip at kawalang-galang na gawa, at buong responsibilidad ko ito.

Tinitiyak ko sa iyo na hindi ko intensyon na salakayin ang personal na espasyo o gawing hindi komportable ang sinuman. Lubos kong pinagsisisihan ang aking mga aksyon at sisikapin kong maging mas maalalahanin at magalang sa hinaharap

TAGS:
megan young, lesego chombo, miss world, botswana, tracy maureen perez, gwendolyn fourniol, miss world czech republic, miss earth, miss universe, miss international

#missworld
#meganyoung
#botswana
#lesegochombo
#tracymaureenperez
#gwendolyn
#missworldphilippines2022
#missworldphilippines

credits: to the rightful owner of this photo's and video clips

🚫WARNING DO NOT RE UPLOAD ANY OF MY VIDEO'S🚫

for business / copyright matter please email us at [email protected]

editor app: CAPCUT

marian rivera laging inaalala ang payo ng kanyang lola iska
MARIAN RIVERA - laging inaalala ang p...

marina summers nakuha ang 2nd win sa drag race
MARINA SUMMERS nakuha ang 2nd win sa ...

#missworld #meganyoung #lesegochombo #missworldafrica #africa #botswana #southafrica #philippines
6 ماه پیش در تاریخ 1402/12/22 منتشر شده است.
104 بـار بازدید شده
... بیشتر