Ang EKSPEDISYON ni RUY LOPEZ de VILLALOBOS sa PILIPINAS | Philippine History Part 3 | Lucastory

Lucastory
Lucastory
23.1 هزار بار بازدید - 2 سال پیش - Title: Ang EKSPEDISYON ni RUY
Title: Ang EKSPEDISYON ni RUY LOPEZ de VILLALOBOS sa PILIPINAS / Philippine History/ Part 3/Lucastory
Matapos ipagdiwang ng espanya ang pagbabalik ni Elcano, nagpasya ang haring si king Charles I na tuluyan ng sakupin ng espanya ang pilipinas. Ditoy nagkaroon ng limang magkakasunod na ekspedisyon ang ipinapadala ng hari sa pilipinas. Ang mga ito ito ay pinangungunnahan ni Garcia jofre loaisa(1525), Sebastian cabot (1526), alvaro de Saavedra(1527, ruy lopez de villalobos(1542) at meguel lopez de legazpi (1564). Sa limang magkakasunod na ekspedisyon sina villalobos at legazpi lamang ang nakarating sa pilipinas. Ngunit bago nila ito narating, nagkaproblema ang mga Espanyol sa treaty of Saragossa na kinilalang nasa impluwensya ng mga portuges, kabilang rin ang isla ng moluccas sa Indonesia na magkalapit lamang sa pilipinas. ditoy ibinigay kay ruy lopez de villalobos na pamunoan ang ika apat na  ekspedisyon na galugarin at palihim na kolonihin ang pilipinas habang umiiwas sa mga teritoryo ng portuges.
1542
Inatasan si Ruy lopez de villalobos ng unang viceroy ng bagong espanya na si Antonio de Mendoza na magpadala ng ekspedisyon sa Islas del poniente o mga isla ng kanluran na kilala ngayong pilipinas sa ilalim ng monarkiya ng haring si king Charles I. Naglayag ang pangkat ni Villalobos mula sa bagong espanya o kilala ngayong Mexico sa pantalan ng Barra de Navidad noong ika isa ng novembre 1542. Na binubou ng apat na daang tripulante sakay ang anim na mga barkong galyong Santiago, san Jorge, san Antonio, san cristobal na pinamumunoan ni Gines de Mafra, san martin, at san juan de letran sa pamumuno ni Bernardo de la torre.
Sinundan ni villalobos ang rotang tinahak ni Magellan, at sa pagitan ng ika 6 hanggang 23 buwan ng enero taong 1543, ang barkong galyon na San cristobal na pinamumunoan ni Gines de Mafra na dating myembro sa ekspedisyon ni Magellan ay nahiwalay sa grupo ni villalobos ito ay dahil sa serye ng malalakas na bagyo at ditoy narating ni de mafra ang isla ng mazaua kung saan dating naka angkla si Magellan noong taong 1521. Ito ay ang ikalawang pagbisita ni de Mafra sa pilipinas na kinilala ngayon bilang Limasawa sa katimogang isla ng leyte.

Ayon kay Dr. Jose Rizal sa kanyang mga anotasyon sa libro ni Antonio de Morga na Sucesos de las islas Filipinas o mga pangyayari sa kapuloan ng pilipinas, ayon sa kanya, ang pangalang Filipinas ay unang binigay ni Villalobos, na matatagpoan sa isa sa katimogang isla na kung tawagin ay “Tandaya” o kilala bilang Leyte at ang pangalang ito ay kalaunay ipinalawig sa buong arkepilago.
Ang pagkamatay ni Villalobos
Ika apat ng Abril 1546, ay binawian ng buhay si villalobos sa kanyang selda sa bilanggoan sa isla ng Amboina dahil sa tropical na lagnat. Sa kanyang pagkamatay, dinaluhan siya ng romanong katolikong pari na si Saint Francis Xavier na noon ay nasa paglalakbay ng ebanghelisasyon sa MOLUCCAS, sa ilalim ng pamamahala ng portugues at bilang nuncio of the pope in Asia o mensaherong papa.
Isang daan at labingpitong tripulante ang nakaligtas, kabilang dito si Gines de Mafra at Guido de Lavezaris. Sumakay sila patungong Malacca kung saan inilagay sila ng mga portugues sa isang barko patungong Lisbon, Portugal. Humigit kumulang tatlumpo ang piniling manatili sa isla ng moluccas kasama si Gines de Mafra.
Please watch my previous uploads!
Part 1 : Ang  PINAKA UNANG TAO sa PILIPINAS | ...
Part 2: Ang PAGDATING ni MAGELLAN sa PILIPINA...
Please don't forget to SUBSCRIBE, thank you so much!!!
Happy New year to all!!!
#philippinehistory
#2022
#lucastory
2 سال پیش در تاریخ 1401/10/09 منتشر شده است.
23,181 بـار بازدید شده
... بیشتر