🏍️ ASIN TUNNEL IN TUBA, BENGUET | ANDUYAN BRIDGE | ASIN TUNNEL BAGUIO-LA UNION ROAD | TUBAO LA UNION

Sirpogi ELYU
Sirpogi ELYU
10.4 هزار بار بازدید - پارسال - ASIN TUNNEL AND ANDUYAN BRIDGESa
ASIN TUNNEL AND ANDUYAN BRIDGE

Sa episode na ito ay ating dadalawin ang mga tunnels na mano-manong ginawa ng mga prisoners of war noong panahon ng pananakop ng mga kastila dito sa Pilipinas.

Likas nga na maraming kuwento ang mga bagay-bagay na makikita sa ating kapaligiran. Mga kuwento na inukit at nabuo mula sa kasaysayan ng mga nagdaang mga siglo hanggang sa kasalukuyan.

Simulan natin ang ating paglalakbay dito sa bahagi ng Tubao, La Union. Mula dito ay kailangan lang nating bumiyahe ng halos isang oras. Sa ating paglalakbay ay ating dadaanan ang Anduyan-Rizal-San Pascual-Nangalisan-Asin Road na nagkokonekta ng mga probinsiya ng La Union at ng Benguet.

Ang tulay na ito natapos at binuksan  noong Nobyembre 26, 2018 sa pangunguna ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark A. Villar. Ang tulay na ito ay may habang 360 lineal meters na ipinatayo sa kahabaan ng Anduyan-Rizal-San Pascual-Nangalesan-Asin Road. Binubuo ito ng dalawang lanes na gawa sa 12 spans at 30 meters pre-stressed concrete girder.

Ang Anduyan Bridge ay ginawa sa layuning bawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Tubao at Baguio City mula 2 ½ hours hanggang isang oras na lang. Isa pa, ang Aringay-Tubao Alternate Road at Anduyan Bridge ay magiging bagong ruta sa Baguio City at babawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Agoo-Baguio City Road o Marcos Highway at Bauang-Baguio Road o Naguilian Road.

Ang bagong tulay na ito ay may mga sidewalks at reinforced concrete railings. Ito ay ginawa para sa mga taga-Barangay Rizal at Alog East sa Tubao, La Union na tumatawid sa Aringay River. Ito ay gawa sa dalawang abutment at may kabuuang 11 pier na lahat ay nakapatong sa bored piles na 1,600 hanggang 1,800 millimeters ang diameter upang matiyak ang katatagan.

Pagkatapos nating daanan ang tulay ng Anduyan, ay tutuloy na tayo sa Asin tunnels.

Sa paglalakbay natin dito sa daan papunta sa tunnels ay makikita natin ang napakagandang view. Napakakulay ng mga kahoy at damong nasa gilid ng kalsada. Tanaw na tanaw rin dito ang ilang mga magagandang kabukiran sa mga kabundukan o mga mini rice terraces. Medyo may kalamigan na rin ang simoy ng hangin dito dahil na rin siguro sa papataas na elevation ng lugar.

Ang kalsada pala dito ay puno ng sharp curves kaya dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Maging maingat sa paghawak ng throttle ng sasakyan mo dahil mga mga nakakasalubong din tayong mga biyahero sa kabilang linya ng kalsada. Kapansin-pansin rin na iilan lang ang mga kabahayan dito. Sa gilid ng mga kalsada ay may mga nakainstall na rin na solar street lights na sa tingin ko ay mas efficient at mas favorable sa budget ng bayan nila dito.

Sa ilang bahagi ng naman ng lugar na ito ay makikita ang ilang establismento na siyang nagsusuplly ng ilang mga kailanganin ng komunidad. May mga bilihan o tindahan at iba pa.

Habang papalapit tayo ay madadaanan rin pala natin ang malawak na paaralan ng Tuba National High School. Madadaanan rin natin ang ilang mga hot spring resorts dito. Ang bahagi ng Tuba, Benguet na ito ay kilala sa mga hotsprings. Kaunting kaalaman lang tungkol sa mga hotsprings. Alam niyo ba na ang hot spring ay nabubuo kapag ang ang subsurface magma sa ilalim ng lupa ay umaabot sa ibabaw nito. Ang hindi gaanong mainit na tubig ay tumataas sa pamamagitan ng mga bitak sa lupa. Kapag umabot ito sa ibabaw, nalilikha ang mga features tulad ng mga geysers, fumarole, at ng hot spring.

At ilang sandali pa ay narating na natin ang Asin Tunnel.  

Ang Asin Tunnels ay itinayo noong panahon ng mga kolonyalistang Espanyol ng kanilang mga bilanggo ng digmaan o mga tinaguriang prisoners of war noong 2nd half ng 19th century. Ang mga ito ay sadyang ginawa upang maging bahagi ng dapat na riles sa Damortis La Union at Baguio City. Sa simula ng 20th century, inimprove o pinakaganda ng mga amerikano ang kalsada at ang mga lagusan habang ginagawa ang malapit at gumagana pa ring mga mini hydro plant na siyang nagsu-supply ng kuryente sa lungsod ng baguio. Ang Asin tunnels 1 at 2 ay may habang 96 at 158 metro at may taas na 7 metro. Ang mga tunnel na ito ay ligtas para sa anumang uri ng sasakyan dahil walang nakitang mga bitak dito kahit na matapos ang mamamatay na lindol noong Hulyo 16, 1990.

Sa pagdaan natin sa tunnel na ito ay kapansin-pansin ang malamig na temperatura. May mga tumutulong tubig din na marahil ay galing sa bukal ng budok na bahagi ng tunnel na ito. Kapansin-pansin rin ang mahusay na paggawa sa tunnel na ito dahil makikita natin na ito ay purong bato o may component na solid rock.

Sa ngayon ang mga tunnels na ito ang siyang nagsisibling daanan ng mga kababayan natin na dumadaan sa bahagi ng Tubao, La Union na pupunta sa Baguio City at vice versa.

#SirpogiELYU
#AsinTunnels
#AsinTunnel
#tubabenguet

FOR SPONSORSHIP, contact me at:
EMAIL: [email protected]
TEXT/CALL: 09102820549
FACEBOOK: Facebook: sirpogielyu
TIKTOK: https://www.tiktok.com/@sirpogielyu?_...
INSTAGRAM: Sirpogi ELYU
پارسال در تاریخ 1402/03/07 منتشر شده است.
10,415 بـار بازدید شده
... بیشتر