Jen Cee | Pahinga " Wag kang susuko Part II " ( Official Lyric Video )

Jen Cee
Jen Cee
60.1 هزار بار بازدید - 2 سال پیش - #JenCee
#JenCee #officiallyricvideo  #lcbeats

Spotify: https://open.spotify.com/artist/5PoQb

.
.
.
Facebook:
Facebook: jencee30


Instragram:
Instagram: jencee30


_

Lyrics :



Alam niyo ba yung parang mga pakiramdam na
Hinding hindi mo na alam kung san mag uumpisa
Kahit pilitin mong lumaban ay tinatamad na
Hindi naman siguro kasalanang mag pahinga

Ang dami rami nating gustong tuparin diba?
Mula noon hanggang ngayon ay lumalaban na
Ang umangat at lumubog ay naranasan ko
Ngayon hindi ko lang alam kung bakit ba ganito

Nakakaramdam na ko ng pagsuko't di masayang
Karanasan ko sa ngayon na parang ayaw ko na
Nawawalan ng bisa ang aking mga kanta
lalo na yung wag kang susuko na nasulat ko na

Ngayon hinding hindi ko na matatago ito
Ayoko ng maglihim gusto kong malaman niyo
N  a minsan din sa buhay ko nahihirapan ako
At di lang nahihirapan nasasaktan na ako

Hindi lang pera palagi ang basehan ng problema
Tignan rin natin palagi kung pano ba makisama
Kung sino nang mapagbigay naaabuso pa
At Kung yung mabait lumaban ay kalaban na

Sobrang kikitid ng utak
Wala namang ambag
Kung sino pang mapuputak
Yung pa ang pabigat

Ito ang katotohanan
Ranas na ng karamihan
Kapag tumulong ka minsan
Ikaw pa'y ginugulangan

Mahirap ng lumalabas na laging mabait
kapag ikaw nangailangan laging may kapalit
Walang tutulong ng kusa
Yung tulong mo na walang bisa
Kaya laging tandaan
Na wag magaalangan

Na unahin kahit minsan ang sarili mo
Hayaan mo na rin kung mayron magtampo sayo
Ito'y hindi kasalanan
Sila ang may pagkukulang
Nasan sila noong kailangan mo ng masasandalan

Odiba nakaka praning
lalo na kung may dumating
Panibago pa na problemang
Hindi na kayang dalhin

Sa susunod alam ko na ang dapat na gawin
Magpapahinga na lang muna tapos tuloy pa rin

Dumadating yung mga araw na parang wala
kahit anong gawin ko ay walang napapala
Kaya patawad kung minsang parang sumuko na
Dahil hindi ko nakaya noong mapag isa

Oo mahirap na maramdaman na mag isa
Lalo na kung alam mo na na lumalaban ka
Ng patas sa karamihan
Tapos pinagkaitan
Ng pagkakataong gustong gusto mong makamtan

Kahit gaano kalakas
Kahit gaano kataas
Hinding hindi maiiwasan na magiging marahas
Kapag sinubok ng panahon
Magugulong mga sitwasyon
Wag kang susuko
Wag kang susuko
at Ipapahinga mo lang

Kahit gaano kalakas
Kahit gaano kataas
Hinding hindi maiiwasan na magiging marahas
Kapag sinubok ng panahon
Magugulong mga sitwasyon
Wag kang susuko
Wag kang susuko
at Ipapahinga mo lang

Written and Performed by :Jen Cee
Beat Produced  by : Lcbeats
Lyric Video : Jen Cee
_
For Collab, Inquiries and Business
Email : [email protected]
2 سال پیش در تاریخ 1401/07/27 منتشر شده است.
60,146 بـار بازدید شده
... بیشتر