Lagman at Rodriguez sa deliberasyon ng con-con bill sa Kamara

News5Everywhere
News5Everywhere
13.1 هزار بار بازدید - پارسال - Naging mainit ang deliberasyon sa
Naging mainit ang deliberasyon sa House Bill No. 7352, ang kaakibat na panukala para malaman kung paano ipatutupad ang Resolution of Both Houses No. 7 na nagsusulong ng constitutional convention para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.

Sinubukang ipatigil ni 1st District Albay Rep. Edcel Lagman ang pagtalakay sa naturang panukala. Kinuwestiyon ng mambabatas kung bakit pinag-uusapan na ang detalye ng con-con gayong wala pang aksyon ang Senado sa resolusyon.

Matatandaang constituent assembly o con-ass ang isinusulong ni Sen. Robin Padilla bilang paraang ng Charter Change.

Pero pagtatanggol ni House Committee on Constitutional Amendments chairperson Rufus Rodriguez na nag-sponsor sa panukala, hindi ito premature. Accompanying measure aniya ito na puwedeng sabay nang ipasa sa Senado.

Nag-mosyon si Lagman na suspendehin ang deliberasyon pero hindi ito kinatigan ng mayorya. #News5 | via Marianne Enriquez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: TikTok: news5everywhere
Website: news5.com.ph
پارسال در تاریخ 1401/12/16 منتشر شده است.
13,124 بـار بازدید شده
... بیشتر